story ni miggy

Cuz thats how it goes. End of discussion.

Monday, February 27, 2006

kami ay gumising sa normal na oras.. 7:00 am ako.. at mga 7:10 c sab.. pero dahil sa mga walang katuturan na aming pinag-gagawa, kami ay naiwanan ng aming bus.. at ang resulta, kami ay nahuli sa aming klase..

siyensya- walang pagbabago.. maliban sa aming mga bagong upuan.. pero ang madaming gawaain, mahabng diskusyon at takdang aralin ay walang pinag-bago.. 1/1 pra sa mga takdang aralin sa araw na ito..

*wikang ingles*?- amin ng panapagusapan ang dulang "merchant of venice".. aming tinalakay ang mga tauhan sa dula.. at nakumpara ko ang aking sarili sa isa sa mga tauhan.. matapos nun ay pinanood namin ang pelikula nito.. at pagkatapos nun, syempre dapat may takdang aralin.. sa madaling salita, 2/2 na pra sa aking mga takdang aralin..

relihiyon- pinagusapan ang aming sinagutan nung nakaaang linggo.. subalit nakalimutan ko sa bahay ang aking mga sagot.. kaya hindi ako masyadong nakasagot sa mga tanong ng aming guro.. at wala akong nakuhang takdang aralin.. 2/3 na..

matematika- wala naman masyadong nangyari.. tinuloy lang ng aming guro ang pagtuturo ng *slopes*.. madali lang naman ehh.. sadyang nakakalito lang talaga minsan.. at nakakuha nanaman ako ng takdang aralin 3/4 na..

heograpiya- nakatanggap ng maraming mga gawaain.. at ang tinuro ng aming guro ngayon ay tungkl sa iba't-ibang uri ng panahon.. at nakatanggap ulit ako ng takdang aralin.. 4/5 ang mga takdang aralin na dapat kong tapusin..

ang aming klase ay magsisimula sa oras na 9:45.. kaya pwedeng matulog hanggang 8 aus!!

*miyembro pa rin pla ako.. haha
*haha wala lang..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home