story ni miggy

Cuz thats how it goes. End of discussion.

Thursday, July 28, 2005

ang bilis makuha ng wish ko ha..

nagising ako 7:30.. eh 10:00 p nman pupunta sa skul.. so nag Y.M. muna and edit ng blog.. tapos, naligo, nagbihis, den umalis.. kala ko mala-late kami.. kasi nakaalis na kami mga 9:00 eh dapat 8:30.. so nag wish na sana wag ma-late.. pagdating sa skull.. aba!! laking gulat ng makitang eksaktong 10:00 pa lamang.. wow!! edi pumasok sa classroom, nakita si kristine tapos tinignan ang aking grades.. tapos sabi ni teacher.. eh wala pa si jem, so hinintay ko sya.. tinignan ulit ung exams ko.. tapos dumating si bon.. aus may kasama ako.. tapos nung mejo matagal na.. napagdesisyonang sa baba na lan hintayin si jem.. pero pababa na kami ng makita namin sya.. so balik sa classroom at tinignan nya ang kanyang grades.. wala pa rin si ellanie!! patay late nanaman sya.. tapos baba kami.. nakasalubong sila kristine and mayi.. tapos labas muna at dun sya hinintay.. tapos nakita sya.. balik ulit.. nagmakaawa sa aming teacher namakita ang kanyang grades.. nakita naman nya.. dumating din si ate emily kasama ang kanayang kapatid.. ay anak pla.. tapos alis na kami pra makapunta kila bon.. tapos nag punta sa indigo parai-meet si vinnie na sasama samin.. tapos pinakilala kay ellanie, and lakad na papunta kila bon..

pagdating sa kanila, nanood kami ng kill bill 1 and 2.. ung sa one, ang brutal, morbid,violent mas matindi pa sa passion of the christ ang ka-brutalan.. pag napuputol ang mga parte ng katawan, sisirit ang dugo parang shower.. may anime p nga ehh.. sobra sa OA ung movie!! ang daming dugong lumalabas.. parang tubig kasi malabnaw.. tapos ng mivie, nag padeliver ng pizza and pinanood ng part 2.. mas ok kasi konti lan ung ginamit na kabrutalan.. tapos ng movie,tiry panoorin ung drumline, at dahil nagmamadali na kami, nag fast forward na lan kami.. hanggang makita nila ung mga astig na part.. tapos dumating ung mommy ni bon, and after a few minutes, alis na kami.. pero sabi ng nanay ni bon.. so aus.. sya ung nag-invite samin ha.. edi naglakad papuntang station, nauna na samin sila ate emily at ang kapatid nya..

tapos nag subway kami.. mejo tahimik sa subway.. ang change ata ung mood namin.. tapos nag aaya si jem sa bahay nila.. kami naman.. ok lan.. tawa lan.. tapos nung nasa st. george na.. at bigla na lan kami umalis sa train, at sumakay papuntang north.. aus!! di planado!! tapos nag library muna para mag suli ng books at tumingin din.. tapos sa bahay na nila.. nakilala ung mga pinsan atmga utol nya.. sila (oldest to youngest) arvin, utol ni jem na lalaki, sammy, utol ni jem na babae, ung bunso, angelic or mika, pareho kasin four ehh, jenna, ung nagmo-mommy kay jem, pinsan nya.. den-den, isa pang insan ni jem na baby,and sam,pinakabata sa lahat.. ang cu-cute nila!!mga bata at baby kasi ehh.. hehe.. nahihiya pa si jenna ehh.. ayaw pababa kay "mommy" jem.. hehe.. tapos bumaba sa basement, at nag Y.M. muna ng sandali.. tapos lumabas sa backyard at naglaro!! monkey in the middle, catch basta puro bola!! hehe.. natatamaan ko p nga lagi si mica ehh.. or mika.. nung una ung bolang malaki.. di umiyak.. tapos natamaan ko sya.. wahh!! umiyak na sya.. guilting guilty ako nun.. amP!! careless ko kasi ehh.. tapos nun.. nag-bike kami.. aus!! tagal ko n rin di nakapag bike ehh.. so nung una mejo nanibago.. pero aus naman.. ang galing ng utol ni jem.. no hands ng matagal.. eh ako sandali lan.. tapos kwentuhan muna.. tapos may na-recruit kaming bagong makakasama sa mga lakad natin.. sino un.. hmm.. surprise na lan.. hehe tapos mga 9 na ata nun so alis na kami.. basta ang cute nilang lahat!! hehe.. tapos sinamahan kami ng mga utol ni jem sa bus stop, at binigyan kami ng pamasahe.. tnx!! tapos alis na sila..

tapos, dumilim na.. nag hihintay pa rin kami sa bus stop.. sabi ko darating kami sa bahay mga 10:20 na.. at magagalit sila ermats at erpats.. aus lan naman..worthy naman kasi ung araw ehh.. tapos dumating sa royal york, mga 9:50 na.. at nakasabay si erpats sa bus.. aus.. di kami tinanong kung san nag-punta.. at habang nasa bus, may nakitang posteng nahulog at may kotse na wasak ang harap ng bumper nya.. tan ga!! wahehehe lashing ata ehh.. tapos nakarating sa bahay ng mga 10:40 na.. so tinanong ni ermats, at nag excuse ako na matagal ung bus and subway, nasira ung bus basta ganun..naniwala naman.. so di nagalit.. hehe..

nag wish ako na sana mangyari ulit ung nangyari kahapon.. nangyari nga at mas masaya pa ito!! ewan ko kung bakit.. basta mas masaya ito!! wohoo!! di muna ako magwi-wish at baka sabihin ni Lord na sobra naman itong batang ito.. wish ng wish.. hehe la lan.. basta ang alam ko.. na kahit sad na hindi na kami magiging magkaka-klase ulit, ang ganda naman ng last 2 days namin.. sayang nga lan at wala si kristine.. mag te-tenkyu na lan ako muna.. hehe.. geh that's all for now, see ya layta.. peace!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home