story ni miggy

Cuz thats how it goes. End of discussion.

Friday, June 24, 2005

kayo na bahala mag-isip ng title..

kung gusto nyo malaman kung bakit.. basahn nyo ito..

nagising ako mga 7 ng umaga.. tapos naligo ako mga 8:20.. tapos kumain.. ginising si ate.. tapos alis na.. tapos nakita namin sila jem at nathan sa st.george tapos alis na.. papunta ng eaton.. unang shop na pinuntahan namin sa eaton sony shop.. la lng hehe.. tapos napadaan kami sa coles (bookstore).. tapos tingin kami ng mga libro.. nakita namin ung va dinci cod..(imitation ng da vinci code) hehe.. tapos basta daming librong binasa at tinignan.. mga 1 oras ata kami doon.. tapos umalis na kami sa coles.. may naririnig kaming ingay (sigawan..) edi nag taka kami.. umakyat kami tapos nakita namin daming tao nag kukumpulan.. may parang stage.. may nagsasalita.. tapos may lumabas na 2 wrestlers edi aus.. stay muna kami doon.. balak namin umakyat pa ng isang level para makita naman namin sila.. pero pinababa kami ng security.. pero may ibang tao dun (daya).. tapos balik kami sa baba.. tapos nung tapos na.. umakyat kami ulit.. la lng libot.. may nakita kami ulit na bookstore.. indigo ung pangalan.. edi tingin ulit ng mga libro.. tapos may mga nakikita kaming mga upuan at may mga nag babasang mga tao.. so kami ok lng pla mag basa ehh.. kumuha kami ng mga libro, umupo sa may sahig (la n kasing mga silya ehh) at nag basa.. tik tak tik tak.. umabot kami don ng 1 and a half hours bago kami nakaalis doon.. lakas kasi ng trip ehh.. tapos labas kami ng eaton.. at nag toss coin kung left or right ung dadaan namin.. nanalo ung right.. so right kami.. may mga nadadaan kaming starbucks, tim hortons tapos starbucks ulit.. pag nadadaan kami don s mga un.. ang bango!! prang ang sarap bumili ng kape.. hay.. tapos ang init ng araw!! parang pag nasa shower ka at hot water lang ung naka-on.. nakakapaso sa balat!! tapos habang nag lalakad, may nakitang sign na may shooting.. stig!! so tinignan namin.. pero kaming 2 lang ni nathan ung lumapit.. ung 2 nasa may shade.. tapos wala kaming nakita kundi mga gamit na pang shooting at mga parang p.a. edi balik na kami.. tapos uwi na.. sa subway, may pumasok na mga naka formal na suot.. kala namin mga students sa private school.. pero para silang 3 stooges.. nakakatawa sila.. ung isa naka suspenders pa nga ehh.. tapos ung isa nag labas ng cards.. dami nyang alam gawin sa cards.. kaka-amaze!! tapos parang may magic trick sya sa isa nilang kaibigan.. eh malapit na ung stop namin.. eh parang maganda ung magic nya.. so ung stop na namin.. di kami bumaba at hinintay naming matapos ung "magic" tapos parang niloloko lang nya ung friend nya.. pinabunot kasi sya ng card tapos pinapikit ung mata nya.. tapos nung pinapahanap ng "magician" ung card sa mga pocket nya.. eh wala naman don.. tapos sabi ng "magician" u look like an a******.. tapos kami andon pa sa train.. pinipigilan namin ung tawa namin.. tapos nung bumaba na kami para bumalik sa stop namin.. tawa lang kami ng tawa.. tapos balik na ng subway.. nasa younge and bloor na kami.. napagtripan gamitin ung elevator.. pero bumalik din kami kung san kami nanggaling.. hayy.. tapos uwi na kami talaga..

tapos kami ng ate ko.. napag tripan bumili ng kape.. so hanap kami ng tim hortons.. sabi nya alam nya kung saan.. pero wla akong tiwala.. baka mawala kami.. so nag hanap na lang kami malapit sa amin.. tapos sabi nya slush na lang sa may 7-11.. (malapit lang kasi ehh).. pero sabi ko merong coffee shop pag nag lakad kami ng diretso.. so naka 7 or 8 na blocks na ata kami.. may nakita ako na red na sign parang tim hortons.. so aus na.. nung malapit na kami.. nakita namin variety store pala.. aaahhh.. tapos wala na akong makitang shops don.. puro puno na lang.. so balik kami at bagsak sa slush.. hayy.. tapos para matuwa naman kami.. nag pizza kami.. nung kumakain na kami.. nag hahanap ako ng hot sauce.. pero alam ko wala dun sa store na un.. so di na akong nag bother na mag tanong o mag hanap.. tapos may pumasok dun.. nag take out ng pizza at humingi ng hot sauce at binigyan!! hayy.. sayang!! ok lang.. ubos ko nanaman ung pizza ehh.. tapos may pumasok na isa pang customer at nung magbabayad na siya gamit ung card nya.. sinasabi ng crew na "no go go go.." mabuti mabait ung babae na customer at tinawag ung kasama nung isa at sa kanya na lang nag bayad.. hayy.. tapos di na namin maubos ung slush.. di naman namin pwedeng iuwi.. kasi mag hahanap din sila utol.. hayy.. so ang plano.. uubusin namin at tatapon sa basurahan sa labas.. pero andon si bunso.. hayy.. ung ate ko.. may dyaryo, dun nya tinago ung sa kanya at tinpon ung cup kasama ung dyaryo.. so ako may nakita akong side door.. sabi ko meron naman sigurong basurahan dito.. labas ko dun din kung san nag lalaro sila utol.. so nag tago ako sa likod ng basurahan kahit mabaho.. pero ung bola nila napunta malapit sa akin.. nakita ako ng friend ni utol.. so ako takbo!! baka makita ni utol.. tapos daan sa kabila.. andon naman ung isa.. so pabalik-balik ako tapos na corner ako.. nakita ni utol ung cup ko.. at sinabing "meron din kami nyan kanina!!) hay.. nag pakapagod pa ako kakatakbo.. meron naman pla sila.. hayy.. WHAT A DAY!!..hayy.. that's all for now.. see ya layta.. peace!!

Wednesday, June 22, 2005

gawa ni Jem, itong poem

Nang aking Makita
Si miggy na makata
D ko akalaing ganun
Ang mga nangyayari sa panahon

Nakilala ko sya
Sa orientation centre
Akala ko nung una
Sya ay bitter

Nung nakilala ng husto
Isa plng mabuting katoto
Dadamayan ka
Sa iyong mga problema

Anjan sya lagi
Kapag ika’y sawi
Wag k lng iiyak
Dahil puso nya’y mabibiyak

Kahit kailan
D k nya iiwan
Kahit p sa ere
Sya bahala dumiskarte

Natutuwa ako
Dahil nakilala ko
Ang isang mabuting tao
Na walang panibugho

Sunday, June 19, 2005

gano ako kasama??

nong may nalaman ako..
di ko alam ang gagawin ko..
kung ano ang dapat kong sabihin..
don sa isang tanong nya sa akin..

ayoko saktan ang kanyang damdamin..
ayoko din syang paasahin..
di ko talaga kung anong dapat kong gawin..
bakit mo ito ninigay sa akin..

sa mga nangyaring ito..
pakiramdam ko ako ay isang demonyo..
na nananakit ng damdamin ng tao..
at iniiwan silang lumuluha at malungkot..

iyon pa naman ang pinaka ayoko sa lahat..
na makakita ng isang babae na nasasaktan, at iwanan syang lumuluha..
lalo na kapag iyon ay aking kasalanan
parang gusto ko na mawala sa kawalan..

ganon ba talaga ako kasama??
para magawa ko sa kanya ang aking nagawa..
oo alam ko ang iniispi nyo..
na ako ay isang malaking GAGO!!

kung binabasa mo man ito..
ako ay humihingi ng tawad sa iyo..
di ko naman sinasadya na sabihin sa iyo yon..
ngunit ako lamang ay pinilit mo..

ako ay nag-mamakaawa sa inyo..
na ako ay tulungan nyo..
sabihin nyo sa akin ang dapat kong gawin..
ngunit kung ayaw nyo, di ko kayo pipilitin..

Saturday, June 18, 2005

time runs really fast..so you better keep up with it or you will be last..

grabe ang bilis ng oras..
parang isang kotseng pumapagaspas..
parang kelan lang nag papaalam pa kami sa mga kamag-anak at kaibigan sa pinas..
tapos ngayon sa canada kami na ay four months..

bigla ko tuloy na-misslahat ng nasa pinas..
hay.. sana ako na ay maka-adjust..
pero ako ay may isang pangako sa inyo..
na whatever happens, i'm still PROUD TO BE PINOY!!

totoo nga ang sabi nila..
na mabilis ang oras talaga..
na pag di mo napansin na ito'y tumatakbo..
marahil ay maiwanan ka nito..
that's all for now.. see ya layta.. peace!!

Thursday, June 16, 2005

masaya b ang pumunta ng york dale??

kahapon.. nag york dale kami.. kami nila jem, nathan, dapat ate ko, ako at si karem..ung usapan 10:oong umaga mag kikita-kita sa st. george.. pero andon ako mga 9:40 ata.. tapos di ko sila mahanap.. tapos nung umakyat ako sa isang platform, may nakita akong chucks na orange (jem) at sneakers na white (nathan) tapos si karem sa york dale na diretso.. so alis n kami..

dumating kami don mga 10:15-20 ata.. si karem mga 11 p daw pupunta.. so nag libot muna kami.. napunta kami parang forrest.. tapos may mga gumagalaw na hayup tulad ng ahas at paru-paro.. tapos sa loob, may mga strange thimgs kaming nakita.. tapos si grandmother willow andon din.. nakita ni nathan na gumagalaw ung mata.. sinabi nya sakin.. tapos without warning.. bigla syang nag salita.. (freaky..) si jem nagulat.. tawa lang kami.. meron pa ngang swamp don na may hippo.. na tumatawa tapos gumagalaw ung mata, ilong at tenga.. syempre bibig no..

taposmay mga pinuntahan p kaming mga shop.. tapos bumalik na kami sa claries.. kung san namin mimeet si karem.. tapos dumating na sya.. balak ni jem kasi mag pabutas ng tenga.. tapos habang nag hihintay kina jem.. kami ni nathan bumili muna sa tim hortons.. (mura ehh..) pero dapat 16 yrs.old k na bago pa pierce.. dapat may i.d. pa..so hindi n lng..

nag foodcourt kami.. may kfc don.. so kami ni nathan parang iniinis namin si jem na allergic sa chicken na un n lng ung bibiilin nmin.. pero nag fries sya at sa bahay n lng kami kkin ni nathan.. tapos nag dedebate kami kung ice cream o chicken.. kami ni nathan chicken.. sila jem at karem ice cream.. edi 2-2 na.. tapos dapat tatanungin namin ung mga tao don.. so sinamahan ko si jem sa una.. tapos chicken sabi ng bata..(naka kfc kasi ehh..) sila nathan nahihiya.. so kami na lng ni jem ung nag "survey" hehe tapos nag hiwalay kami.. kasama ni nathan si karem at kasama ko si jem.. (baliktad no??!) ung mga shop piasok namin at tinanung ung mga staff don.. tapos ice cream ung nanalo.. daya!! summer kasi ehh.. tapos may sop don na parang prank store na may mga something.. kakatwa ung mga benta don.. tapos may pet store sa baba.. tapos ang baho.. ung mga isda don pag nilalapit mo ung kamay mo sa aquarium lumalayo.. tapos ung iba lumalapit.. (weird..) tapos mayparang pond don na daming penny.. so nag-hulog din kami.. tapos nung nasa mga ibon, parrot na kami.. may narinig kaming nagsasalita.. kala namin mga parrot.. nag hi p nga ako ehh.. (ung pa-cute na hi..) tapos may nakita kaming 2 matanda.. sila pla ung nagsasalita!! haha.. tawa lang kami.. tapos may parrot.. ung kinakausap ng 2 matanda pero di nman sila kinakausap.. eddie ung pangalan ng parrot.. nung kinausap namin ni jem parang nag sasalita sya pero di namin maintindihan.. tapos nag hi kami nag hi din sya.. naiintindihan na namin sya.. tapos tinatanong nya kami na how are u?? sabi namin ok, fine.. tapos nung aalis na kami.. nag bye ung parrot.. haha ang cute.. bye naman kami.. tapos nag kita kita na kami at uwi na kami.. meron pang nangyari.. di ko n lng kwento.. (secret) .. hehe.. sagot ko s tanong, no comment.. that's all 4 now.. see ya layta!! peace!!

Thursday, June 09, 2005

nagbago.. as in!!

kasi ganito yun.. nung umaga, kinausap ni father c jem.. tapos bumalik si jem sa kwarto may watery eyes na.. so pumunta sya sa c.r. tapos si father pinapunta ung ate ko at si karem ata.. tapos sumunod naman si nathan (to the rescue) tapos tinawag nya ako.. sabi nya mali daw ginawa namin ni nathan.. (kakainis!!) tapos dissapointed daw sya samin.. blah blah blah.. tapos edi nagalit ako.. bumaba din ako.. tinignan ko cla.. narinig ko umiiyak si jem.. tapos pumunta ako sa boys bathroom at sinuntok ko ung mga wall.. (labas lang ng galit..:-) tapos bumaba si father.. nakita si nathan sa girls bathroom.. tapos tinawag nya si jem at umakyat sila.. kami naman ni nathan.. lumabas muna ng school.. tapos bumalik den.. edi tinapos namin ung maling gawa namin.. tapos kinausap nya si nathan.. edi ako na lang ung gumagawa.. edi natapos ko.. bad3p talaga ako nyon.. tapos break na.. kinausap nya clia jem tapos kame ng ate ko.. tapos ganon ganyan.. tapos lumabas kaming 4.. tapos tahimik lng kami sa labas.. tapos tinawag na kami ni father.. gawa nanaman sila ng grades.. tapos tapos na ung klase eh wala daw si aniko.. tapos pinagsama kami sa isang classroom.. so ingay.. ehh may test daw ung AO BO so tahimik kami.. tapos si jaime ginagaya si father pag prayer.. edi tawa nman kami.. tapos lunch na.. pinuntahan namin ni nathan ung 2 na naiwan sa classroom ginagawa pa rin ung grades.. pero bago non.. iniwan na namin ni nathan ung gamit namin sa table ng canteen.. pero ung pagbabanamin.. di sila don nakaupo.. tapos bigla sila umalis.. tapos nung lung.. soundtrip na lng.. BAHO NI ARARAT!! parang labanos.. lam nyo un?? ung gulay na mabaho.. tapos nung uwian na.. sabi ni father titreat daw nya kami.. bagsak?? sa pizza pizza.. tapos my mga sinabi sya.. may mga pinagusapan.. tapos nyon.. di na kami galit sa kanya.. as in!! parang walang ngyari.. parang di kami nagalit.. nawala parang bula.. tapos uwi na.. that's all folks.. hehe

Tuesday, June 07, 2005

kapal ng MUKHA!!!!!!!!!!!

kasi ganito un nung umaga sa klase nya, sabi nya mag-rerelax lang daw kami except ung ibang students na gagawa ng trabaho nya.. ( what's new??!) edi kami nila nathan, ate ko, marie, vinnie ako at si jem nanaman yung inutusan nya.. hay naku.. edi hindi kami nakarelax.. mabuti pa ung iba, jaming jaming lng laro laor lang.. kakaingit!!

sabi nya, kailangan na daw nya ngaun ung mga pinappagawa nya samin.. (DEMANDING NO??!) edi madali naman kami pero impsible namin matapos yon.. so ginawa nami, sinacrifice namin ung lunch namin, para matapos namin ung "trbaho" nya.. kahit tomguts na ako nung lunch.. "confidencial" daw ung ginagawa namin.. so don kami nag trabaho sa office nya.. nagpaalam kami kay marita kung pede.. pyag naman sya.. ( bait no..) pero di nya nakita ung ginagawa namin.. edi natapos na namin ni nathan ung samin.. ung kina ate ko at jem, di pa.. may mali pa sila.. MALAS!! tapos earlier, tinignan kami ni michelle ganon.. tapos tinanong namin kung pede humingi ng extra marks.. sabi nya, "u ask him" edi parang ako.. asa pa.. binibigay lang nyon samin ehh God bless you.. haha.. tapos balak namin, bumalik sa klase ni aniko mga 1:00 na.. edi ok n.. tapos bigla syang dumating.. edi ginulo namin ni nathan ung papers.. para kunyari di pa kami tapos.. pero nagalit pa sya!! kasi daw "confedencial" dw ung ginagawa nga namin.. sabi nya kasi sa classroom, na kung ano daw ginagawa namin, hangang 3rd floor lng daw.. kala namin, sa mga students lng bawal sbihin.. wala syang sinabi na hinde pede malaman pati ng staff.. tapos un nga nagalit sya.. kesho ganon kesho ganyan.. basta kakapikon!! kami na nga tumutulong ehh sya pa galit!! buti nga naawa p kami s kanya ehh.. eh lung wala kami wawa naman sya.. hahahaha.. tapos nung dismissal, tinakasan namin sya.. kasi baka paistiyin nnman kami ehh.. daan kami sa backdoor, tapos labas sa frontdoor.. yahoo!! nakalabas kami ng di nya kami nakikita!! pero di naman daw sya bumaba..haha.. tapos nag spa dina kami.. as in spa dina na talaga!! nag street car kami papunta ng union station.. la lng.. tapos uwi na kami.. that's all folks!!

Friday, June 03, 2005

bad3p!

kasi friday na.. ipigsabihin, deadline na ng bookreport.. grabe pinagpuyatan ko din un!! natapos ko yun mga 1:30 na ng umaga.. tapos valak ko, di na ako matutulog, babasa lang ako ng libro. pero mga 3:30, nakatulog din.. tapos nagising ako mga 6:30.. tapos nakalimutan ko pa ung pictures na didikit ko sa mga graphic organizers!! edi pinadala ko.. grabe, antok na antok ako nung umagang yon!! nung nasa class na ni father, pinag aral nya kami para sa test.. tapos every time lumalabas sya pumapalak pak kami.. nung my rythym naman.. tapos nakita ako ni father na pumapalakpak.. patay!!. lumapit sya sakin, at sabi nya na "i get sick when i'm looking at you now.. eh di lang naman ako ung pumapalakpak ehh.. daya!! edi nainis ako sa kanya kala nya kasi pinaglalaruan namin sya.. stupid sya talaga!!.. tapos dumating ung mga pictures.. edi happy ako kahit papano.. tapos nung class na ni aniko, tinatapos ko pa rin ung project ko.. buti na lang, n=binigyan nya kami ng time para tapusin yon.. edi napasa ko!! tapos nag jamming lang kami sa classroom nung lunch.. dismissal na, sturday na bukas.. wala ng mga project.. pero si father, nay binigay na pagkakapal kapal na trabaho sa amin ni marie.. ang gulo pa ng instructions nya.. kaya kung may mali ako.. PASENSYA NA LANG SYA!! nung natapos na kami kay father, umalis ako ng school na may bitbit na mabigat na mga papel.. tapos pumunta kami ng Spa Dina, wala lang lakad lang.. tapos nag street car kami papunta ng subway, eh di namin alam kung san un pupunta.. nung nag stop sya sa Spa Dina, ayaw pa namin bumaba.. kasi gusto naming mag libot.. pero pati yung driver bumaba.. edi bumaba na rin kami.. dala ko pa rin ung mga papel.. bad 3p talaga!! that's all for now.. see ya latyta.. :-)

Wednesday, June 01, 2005

l akong maisip na title ehh..

b-day n ng twins!! dapat bago sila dumating, andon na kami kasi kailangan d makita ung cake.. so umalis kami dito ng 7:15 at dumating don ng mga 7:45.. ang aga!! tapos dumating cla jem at arvie.. tapos andon na daw sila john.. kaya sila tumakbo papuntang school. tapos kasi nung ng tetest kami sa alone in canada, syempre dating gawe, open book.. tapos ung katabi ko kinuha nya ung book ko, yapos ung hinihingi ko, ayw nya ibigay.. tpos no choice.. kailangan kumopya kay arvin. pinaurong ko sya sa tabi ko, tapos nag koph=yahan na kami.. nung tapos na ung test, dun ko lang nakuha ung libro ko!! bad3p!! tapos nung lunch, umalis n sila para bumili ng flowers.. naiwan kami don.. tapos ng lunch, nag start na ung plano.. pumasok sila marita at michelle with the gifts and flowers.. tapos si arvie may nilabas pa na mga regalo.. then party na kami tapos nun.. sayaw dito sayaw don.. natapos ung arw ng masaya ang lahat!!