story ni miggy

Cuz thats how it goes. End of discussion.

Tuesday, May 31, 2005

daming nangyari!!

una, si father may diniscuss about "metaphysics" na ung 2+2=4 ay pwede daw maging mali.. wierd no?! tapos ginagaya na namin ung "metaphysics" ni father haha.. :-) pangalawa, ung baseball namin sa classroom, isang beses lang ako na strike.. tapos meron ding iba katulad ni JEM at c JAIME.. daya!!. tapos nung naghahanap na kami ng regalo para sa kambal, may nakita kami ni nathan na mga C.D. stores.. edi pasok naman kami.. ANG DAMING MAGAGANDA!! pero di namin mabili kasi kulang sa budget.. so babalik na lang kami someday.. pangatlo ung BEAR!!.. kasi bibili dapat kami ng flowers para kay john ay kay marie pala.. tapos may nakita kaming bear eh balak din naming bumili ng bear.. so tinanong kami ng babae don kung gusto namin ung bear.. tapos sabi namin ni deny oo.. pero wala kaming sinan=bing bibilin namin.. bigla nyang kinuha ung bear tapos kumuha din sya ng gunting.. kala ko ung gunting eh para sa matandang customer don.. pero bigla nyang kinuha ung tag ng bear at ginupit!!.. nagulat ako tapos kumuha sya ng plastic tapos nilagay nya ung bear don. edi kelangan na naming bilin ung bear na $1o ung presyo pero may tax na yon.. tapos di pa kami nakabili ng flowers bukas na lang daw ehh.. tapos nung tumingin kami sa dominion ng flowers, may nakita kaming bear na cute tapos $7.99 lang yata ung price!! sayang!! pangit pa naman ung bear na binili namin :-(

Monday, May 30, 2005

di na cowboy si aniko!!

kasi ganito yon.. dati pag maingay ka o may ginagawa kang "nakakadistract" naninira sya.. parang cowboy.. tapos ako pa yung palagi nyang nahuhuli.. kakainis nga ehh.. peor ngayon merong pagbabago.. kasi tapos na yung lunch binuksan na nya yung classroom tapos pasok kami.. bago non nag lalaro pa kami nang pusoy.. nung nasa classroom na kami, naupo lang sya sa silya nya, so kal ko hinihintay pa nya yung iba. tapos nag laro pa ulit kami ng pusoy.. nung inaayos ko na, nakita nya yung cards ko patay nanaman!! tapos sinabihan nya ako na tapos na daw yung lunch kaya wag na daw kami mag laro. tapos kasi nung lunch may natapong coke ung ate ko sa hallway.. nung nasa classroom na kami mga 1:00, dumating yung janitor pinapasabi nya kay aniko na kung may natapon daw sa hallway sabihan daw sya. basta ganon.. ako naman tumawa kasi yung ate ko nga yung nakatapon.. tapos nakita ako ni aniko patay nanaman!!.. sabi nya bigla na strike 2 na daw ako. isa pa daw, out na ako. so di na sya cowboy na naninira, umpire na sya sa sa classroom ngaun.. mas ok nga kung cowboy sya ehh kasi hindi kami maaout hindi katulad ngaun.. pede na kami maout..